*but changed her mind and watch SNN instead.
***
This is what my Mom's blog entry for today would look like. That is, if she had a blog in the first prize. (It took us 3 months to teach her the mechanisms of e-mailing).
Monday
October 12, 2009
Nagpatahi ako ng bagong pillow case. Hinihigaan lang ng magrasang ulo ng asawa ko na walang pakinabang. Yung anak kong bunso, alas diyes na, hindi pa rin nagpaparamdam. Pinatawagan ko kay Joane. Cannot be reached. Ang tanda ko na masyado para sa ganito. Ang dami ko nang hinanakit diyan sa panganay ko.
At yang asawa ko. Ang dami niyang opportunity para maging maayos ang buhay namin, ng pamilya namin. Wala. Lahat sinayang niya. Wala man lang kainvo-involvement. Pag may reunion ang pamilya ko, di man lang magpakita. Pag may reunion ang pamilya niya, ako pa ang naghahanda. Wala talagang kapaki-pakinabang.
At yung panganay ko na si Joane. Hay. Ewan ko ba kung bakit andami-daming oras na sinasayang sa tapat ng computer. Hindi ko nga alam kung ano ba talagang trabaho nito. Alis-alis pa kasi ng UP. Kung kani-kanino sumasama, wala namang magandang nadulot sa buhay niya. Sayang na bata. Sa lahat ng anak ko, siya pa naman ang pinakamatalino. Sayang, kinapos sa EQ.
Sana magising tong buntis naming katulong para maghugas ng pinggan. Ang daming pusa dito sa bahay. Puro buhok. Puro tae. Niligaw ko na tong mga to, nagsibalikan pa.
Ang dami-daming impertinenteng tao sa paligid ko. Parang mga turista. Putangina. Dito. Doon. Makatulog na nga.
***
Amazing how angsty Aling Diosy is. Just like me.
***
Whether we realize it or not,
we
are always on a spiritual journey
- even when we feel most lost.
- Frank, postsecret.blogspot.com


0 comments:
Post a Comment